These are the fragments of my diary. I wanted to write it in my blog for I might lose this diary. Kapag dumating ang pagka-topak ko ay baka maitapon ko pa ito.Saka nagsusulat ako ng diary kapag masam ang loob ko, wala na akong makausap tungkol sa mga problema ko, feeling ko ako wala akong kakampi, parang its me against the world, sobrang saya ko, in-luv ako, basta nagsusulat ako kapag ako ay puno ng emosyon. These is uncut at wla akong npakialam kung mali
ang grammar ko nung ginawa ko ito.hehehehe….. Ayokong mawala kasi ung mismong emotion when I wrote this…..
January 21, 2005
Hindi ko naman nagawa ang best ko. Nanakit ng kapwa at at ni hindi pa alam kung ano ang dahilan. Ang tanga ko di ba?
Hayyyy... medyo masaya din naman ako khit papaano. Nandyan ang bestfriend ko ngayon na si Allan na nakikinig sa mga kwento ko. Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Gusto kong gumawa ng mabuti pero ay lumalabas ay mali pa rin ako.
Hindi nanaman ako nakapag-ipon. Marami kaming gastusin at hindi ako humihingi ng pera. Di ba mas mabuti iyon dahil ako ay nakakatulong kay Tatay. Ayokong mging pabigat at problema sa pamilya. Pero ano naman ang ngangyayari??? Pag-uwi ko ng bahay galing school at byahe ay napapagalitan ako sa aking gma maliit na pagkakaamali. Kaya medyo takot akong magkamali at ayoko talagang mapagalitan, eh sino ba ang gustong mapagalitan, di ba wala naman! Hindi na nga ako lumalabas sa kuwarto para walang masabing masama sa akin.
May mga taong sobrang mapapel. Yung taong lagi na lang nagmamalinis at laging binubuhat ang sariling bangko.
Ayoko sa taong nagdedesisiyon para sa iba. Yung tipong gusto kang pagawin ng mga bagay-bagay na hindi mo naman gusto at masama sa loob mo na gawin iyon kasi ayaw mo! Mabilis ako naiirita sa mga taong ganyan at kahit tahimik ako kunwari(minsan...) ay baka mabulyawan ko pa siya ng wala sa oras.
Nakakakuha ako ng mataas na marka sa STS!!!!! Ang saya ko at gusto ko sana i-treat ang sarili ko for this small achievement… pero siguro sa sususnod na lang. Siguro bibili ako ng bag o di kaya’y cap na Nike!!!! Mag-aaral ako ng mabuti at masisikap. Sana tumaas ang grades ko this summer classes... Babawi na ako at mag-aaral na talaga ng mabuti....
Ang mga biro ng mga kaklase ko sa kain ay OK lang. Mahaba naman ang pasensya ko at minsan tumatawa na lang. Hindi ko dinidibdib ang mga biro dahil biro nga lang iyon. Kahit twagin akong ”aja” o kahit ano pa ay OK lang. Mas masaya ang second semeter ko. Puro tawanan at lokohan at mga matatalino ang gma kaklase ko!
God guide me and give me strength to face each day. Help me to become brave and faithful to you. I love you God! Bless my father, Tita Selfa, Uncle Raffy, my brother Patrick, and all to all the people that I cared for. I really miss achie Norie!!!!
January 22, 2005
Birthday ni Steph ngayon. Debut pa nga nya. Hindi ko nga alam kung appropriate etong damit na isisuot ko. Kulay blue (light blue) na medyo Chinese style at naka-skirt ako. Naka ballet flats ako. Hayyyy….. Hindi ko talaga alam kung tama ang ginagawa ko.
Ngayon, ay nagkukulay ako ng para sa project naming sa Statistics, group project na ang concept ay mga ‘preso’ o mga nasa kulungan at nag-file ng mga document s at profile ng mga detainee sa professor namin..
I can’t wait to tell about this. Ang ganda ng nangyari sa debut ni Steph na katukayo ko. Na-miss ko ang lahat ng mga kaklase
Recent Comments